GMA Logo Push Puttichai Kasetsin and Mai Davika Hoorne
What's Hot

You Are My Heartbeat: Kara and Rocky's chaotic encounter

By Dianne Mariano
Published January 15, 2023 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Push Puttichai Kasetsin and Mai Davika Hoorne


Ano kaya ang kahihinatnan ng muling pagkikita nina Rocky (Push Puttichai Kasetsin) at Kara (Mai Davika Hoorne)?

Sa unang linggo ng You Are My Heartbeat, nagalit ang Chairman na si Barbara kay Rocky (Push Puttichai Kasetsin) dahil hindi pa rin nito nahahanap ang apo niyang si Din (Jackie Jackrin Kungwankiatichai).

Nang pumanaw ang ama ni Kara (Mai Davika Hoorne), muli silang nagkita ng kanyang ina ngunit sumama lamang ang loob ng una dahil iniwan siya ng huli noon para sa ibang lalaki na mayaman.

Matapos ang kanilang pag-uusap, biglang sumama ang pakiramdam ng ina ni Kara kaya dinala niya ito sa ospital. Sa unang pagkikita nina Kara at Rocky, pinag-aagawan nila ang isang doktor dahil pareho nila itong kailangan ngunit nakuha ito ng huli.

Muling nagkrus ang kanilang landas nang magkaroon ng argumento si Kara at ang lalaking naka-blind date niya. Nagkunwari naman si Kara na si Rocky ang tinutukoy niyang apo ng GU Group na kanyang iniwan kaya hinalikan niya ito sa harap ng lalaki.

Bigla namang bumagsak si Rocky sa sahig matapos siyang halikan ni Kara at naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Nang mahanap ni Rocky si Din sa isang club, hindi pa rin pumayag ang huli na bumalik sa trabaho dahil ayaw niyang maging tagapagmana ng GU Group.

Humiling naman si Din sa kanyang lola na magtrabaho ang GU Group at KKPP kapalit ng kanyang pagbabalik sa kanilang kumpanya.

Samantala, nabigyan ng malaking oportunidad si Kara ng kanyang stepdad na si Neil na maging head ng design department ng KKPP. Tanggapin kaya ito ni Kara?

Subaybayan ang You Are My Heartbeat, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa You Are My Heartbeat dito.

You Are My Heartbeat: The seriously goofy boss | Episode 1

You Are My Heartbeat: Inflicting pain to the mourning daughter | Episode 2

You Are My Heartbeat: The chaotic encounter of the rival duo | Episode 3

You Are My Heartbeat: My annoying brother | Episode 4

You Are My Heartbeat: The stubborn grandson's request | Episode 5