What's on TV

'You're My Favorite Song' actors, jamming sa set ang paboritong pastime

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 19, 2026 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Father Who Never Leaves
Road, drainage project in Molo, Iloilo completed after 2 years
Paternity leave, nais ni Rep. Diokno na gawing 90 araw mula sa pitong araw

Article Inside Page


Showbiz News

youre my favorite song


Ibinahagi ng 'You're My Favorite Song' actors ang kanilang go-to music genres. Basahin dito:

Ibinahagi ng ilang cast members ng You're My Favorite Song sa kanilang eksklusibong panayam sa "Unang Chika" ng Unang Hirit ang kanilang mga ginagawang pampalipas-oras sa set.

Ikinuwento ng cast na sina Waynona Collings, Princess Aliyah, Lee Victor, Kairo Lazarte, Andrei Fajardo, at Geo Mhanna na mayroon silang tatlong pastime tuwing nasa set: ang kumain, umidlip, at mag-jam nang sama-sama.

Isa-isa nilang ibinahagi ang kani-kanilang mga paboritong kanta, maging ang mga genre ng musika na madalas nilang pinakikinggan.

Ibinahagi ng Sparkle star na si Geo Mhanna na paborito niya ang love songs, partikular na ang isa sa mga kanta ng Filipino-American singer na si Bruno Mars.

“'Nothing On You' by Bruno Mars,” sabi ni Geo.

Pagbabahagi rin ni Waynona na hilig naman niyang pakinggan ang mga kanta mula sa mga boy band dahil aniya'y isa siyang masugid na tagahanga ng mga ito.

“I love boy bands. I'm a big fan,” ani Waynona.

Kuwento naman ni Kairo na likas sa kaniya ang pagiging chill ngunit lumalabas ang kaniyang kakulitan kapag kasama ang kaibigan at kapwa stars sa serye.

“Madalas po chill lang ako. Nagiging hyper lang ako kapag kasama ko po itong mga 'to [You're My Favorite Song cast],” sabi ni Kairo.

Ibinahagi naman ni Lee na sa mahilig siya makinig sa mga kilig at may hugot na musika partikular na ang kantang OPM.

“'Yung mga playlist ko talaga, very nasa OPM, 'yung kilig talaga na mga OPM tapos 'yung mga [may] hugot. That's my jam,” ani Lee.

Ang cast member din na si Andrei ay nagbahagi na hilig din niya ang mga love song lalo na ang isang kanta mula kay Maki na aniya'y nagkaroon siya ng ilang realizations mula sa lyrics nito.

“Ako po 'Dilaw by Maki. Aside from being a love song, I realized din na 'yung lyrics niya for personal growth and discovery and acceptance. I really like the depth of the lyrics,” sabi ni Andrei.

Para kay Princess Aliyah, ang bago kanta niyang "Amba," na itatampok sa kanilang serye ang kaniyang pinapakinggan paulit-ulit. Inanyayahan din niya ang kaniyang followers na pakinggan ito at aniya'y makakasabay sila sa kuwento ng kanta tungkol sa kilig.

"Please stream it. Siguro, alam niyo naman na sa lyrics no'n, more of parang kilig-kilig lang, I'm pretty sure na maraming makaka-relate 'di lang mga Gen Z pati 'yung mga taong mayroong love life nakaka-experience ng kilig sa buhay nila,” pahayag ni Princess.

Abangan sila Waynona Collings, Lee Victor, Kairo Lazarte, Andrei Fajardo, at Geo Mhanna sa You're My Favorite Song kung saan bibida sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano.

Kasama rin sa powerhouse cast na sina Boboy Garrovillo, James Blanco, Katya Santos, at Wilma Doesnt. Sa direksyon ng premyadong direktor na si JP Habac.

Abangan ang You're My Favorite Song simula ngayong June 22, 4:00 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng You're My Favorite Song, kilalanin!