GMA Logo Caprice Cayetano and Heath Jornales
Source: Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: 'AnGuel,' 4-peat winner sa 'Kilig Meter' poll

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 21, 2026 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Some senator-judges express reservations over subpoena for Sara Duterte's financial records
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and Heath Jornales


Apat na sunod-sunod na linggo nang nagwawagi ang tambalang 'AnGuel' sa Kilig Meter Poll ng hit afternoon series na 'You're My Favorite Song'!

Patuloy ang pag-apaw ng kilig sa puso ng mga manonood at netizens matapos muling manguna ang tambalan nina Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales)—o mas kilala sa tawag na 'AnGuel'—sa ika-apat na linggo ng You're My Favorite Song kilig meter poll.

Muling naglunsad ang GMA Public Affairs at GMA Network ng panibagong poll sa kanilang opisyal na social media pages at website upang kunin ang saloobin ng mga loyal viewers ng serye sa Afternoon Prime.

Sa ika-apat na pagkakataong ito, muling tinimbang ang “next-gen kilig” na inihatid ng tatlong pangunahing ships—ang 'AnGuel,' 'GeLix,' at 'ZiGel,' upang tukuyin kung aling tambalan ang nagpamalas ng pinakatumatak at hindi malilimutang eksena sa nakalipas na apat na linggo ng pag-ere.

Sa loob ng apat na araw na botohan, hindi nagpaawat ang avid fans, shippers, at tagasubaybay sa pagbuhos ng suporta para sa kanilang mga paboritong karakter. Noong Lunes, inilabas na ang opisyal na resulta sa social media pages ng GMA Network at GMA Public Affairs.

Muling itinanghal bilang “Week 4 Kilig Meter Winner” at ang tambalang may “Best Scene” ang 'AnGuel' matapos makalikom ng kabuuang 672,322 na boto. Ang nasabing tagumpay ay nagmula sa pinagsamang 7,162 heart reacts sa social media at 665,160 na boto mula sa opisyal na website ng network.

Ang naturang eksenang ito ay ang tagpo kung saan masaya at puno ng kilig na nagsasagawa ng review session sina Angel at Miguel nang biglang may makitang pilik-mata si Angel sa mukha ni Miguel na kaniyang dahan-dahang tinanggal. Nabighani naman si Miguel sa angking kabaitan ni Angel kung kaya't unti-unti na itong nahuhulog sa dalaga.



Umapaw ang kagalakan ng mga tagahanga sa panibagong tagumpay na ito ng 'AnGuel,' kaya naman dumanak ang napakaraming positibong komento sa social media:

“Lakas talaga! Congratulations,” sabi ng isang fan.

“There's a reason why they're the main lead,” komento ng isa.

“Iba ang saya 'pag silang dalawa. Tanggal pagod talaga,” anang isang fan.

“All out support for CapEath! Ipanalo lahat ng poll,” sulat ng isa pa.


Patuloy na subaybayan sina Caprice at Heath bilang sina Angel at Miguel sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!


Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day