GMA Logo Youre My Favorite Song
Source: GMA Public Affairs (FB)
What's on TV

You're My Favorite Song: Miguel Miraflor, nanguna sa Finale Week 'Kilig Meter' poll

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 28, 2026 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Jerrick Ahanmisi powers San Miguel past Titan Ultra with breakout game
Truck crashes into NLEX bridge railing in Pampanga
Makati's Problem Child is PH's best bar for 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Si Miguel (Heath Jornales) ang napili ng loyal fans at viewers na pumasok sa “bucket list ng puso” ni Angel matapos siyang manguna sa Finale Week Kilig Meter Poll ng 'You're My Favorite Song!'

Abot hanggang sa huling linggo ng serye na You're My Favorite Song ang umaapaw na kilig sa puso ng mga manonood at netizens matapos muling manguna si Miguel (Heath Jornales) sa naganap na finale week kilig meter poll.

Muling naglunsad ang GMA Public Affairs at GMA Network ng huling poll sa kanilang opisyal na social media pages upang tanungin ang mga loyal viewers ng serye sa Afternoon Prime ngayong pagtatapos nito: Sino nga ba sa tatlong lalaki sa buhay ni Angel (Caprice Cayetano) ang papasok sa bucket list ng puso niya?

Sa huling pagtatapat na ito, muling tinimbang ng mga tagasubaybay ang mga karakter nina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa), upang tukuyin kung sino nga ba sa kanila ang nagpamalas ng pinakatumatak at nagbigay ng kilig sa mga hindi malilimutang eksena kasama si Angel sa simula ng serye hanggang sa finale week nito.

Sa loob ng limang na araw na botohan, hindi nagpaawat ang avid fans at tagasubaybay sa pagbuhos ng suporta para sa kanilang paboritong karakter. Noong Martes, inilabas na ang opisyal na resulta sa social media pages ng GMA Network at GMA Public Affairs.

Muling itinanghal bilang “Finale Week Kilig Meter Winner” si Miguel Miraflor matapos makalikom ng kabuuang 2,346,077 na boto. Ang nasabing tagumpay ay nagmula sa pinagsamang 8,623 heart reacts sa social media at 2,337,454 na boto mula sa opisyal na website ng network.

Hindi na rin nagtaka ang marami sa naging resulta dahil simula pa lamang ng unang linggo hanggang ngayong pagtatapos ng serye, sobrang kinilig na ang mga fans at netizens sa tambalang 'AnGuel'.

Bawat eksenang pinagsasamahan nina Miguel at Angel sa serye, mula sa kanilang mga simpleng tinginan, kulitan, hanggang sa mga pinakamatatamis na tagpo, ay talaga namang nag-iwan ng malalim na marka at hindi malilimutang kilig sa puso ng mga tagasubaybay.

Umapaw ang kagalakan ng mga tagahanga sa huling tagumpay na ito ni Miguel at ng tambalang 'AnGuel,' kaya naman dumanak ang napakaraming positibong komento sa social media:

“Grabe 2M, CapEath,” sulat ng isang fan.

“Two million sobrang napa effort naman ng mga Capeathans!” sabi ng isa.

“Yes totally deserve! #CapEath lang hanggang dulo!” komento ng isa.

“CAPEATH LANG HANGGANG DULO” sulat ng isang fan.

“#AnGuel hanggang dulo!” ani ng isa pang fan.

“Wow Congratulations Team CapEath, #AnGuel! Salamat mga Kapitans,” pahayag ng isa pa.

Abangan ang mas tumitindi at mas kapanapanabik na FINALE week ng You're My Favorite Song, ngayong linggo, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!