
Ang mga karakter nina Caprice Cayetano at Heath Jornales na sina Angel at Miguel, o mas kilala bilang ang tambalan na 'AnGuel', sa hit romance-drama series sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song ang muling pinusuan ng viewers sa naganap na ikalawang linggo ng kilig meter poll noong Huwebes, July 2.
Inilabas ng GMA Public Affairs at GMANetwork social media pages ang ikalawang wave ng kanilang poll upang muling makuha ang pulso ng mga tagasubaybay ng kanilang serye sa Afternoon Prime.
Layunin nitong tukuyin kung aling tambalan ang naghatid ng “next-gen kilig” sa ikalawang linggo ng pag-ere nito. Nanatili sa pagpipilian ng mga masugid na manonood ang tatlong pangunahing love ships ng serye: ang tambalan nina Angel at Miguel o ang 'AnGuel,' Angel at Calix naman na mas kilala bilang 'GeLix,' at Zion at Angel o ang 'ZiGel.'
Matapos ang apat na araw na botohan, opisyal nang inilabas nitong Lunes, Hulyo 6, ang opisyal na resulta ng poll sa social media pages ng network. Mainit na tinangkilik ng mga manonood at kani-kanilang mga tagahanga ang naturang poll upang ipahayag ang kanilang suporta sa tatlong tambalan ng serye.
Hinirang bilang “Week 2 Kilig Meter Poll Winner” ang tambalang 'AnGuel' matapos makalikom ng kabuuang 103,164 na boto. Ang nasabing tagumpay ay nagmula sa pinagsamang 6,688 heart reacts sa social media at 96,476 na boto mula sa opisyal na website ng network.
Bunsod nito, umani ng mga positibong reaksyon ang resulta mula sa mga tagahanga na agad nagpahayag ng kagalakan sa nakamit na tagumpay ng kanilang paboritong tambalan.
“YOWWWWNNN OH ALWAYS WIN ANG CAPEATH #AnGuel , sulat ng isa sa comments section.
'Wala pa interaction yan, pa'no na lang pag meron. #CapEath Lang #YMFSAnGuel,” pabirong ani ng isang netizen.
“CapEath lang sa AnGuel ,” komento ng isang fan.
Patuloy na subaybayan sina Caprice at Heath bilang sina Angel at Miguel sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!
POLL: Alin sa tatlong ships ng 'You're My Favorite Song' WEEK 2 ang pasok sa kilig meter n'yo?
RELATED CONTENT: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day