
Kabilang si Kapuso actress Ysabel Ortega sa star-studded cast ng upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.
Pabibidahan nito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid na unang beses magkakatrabaho sa telebisyon.
Iikot ang serye sa mga taong lumaki at hinubog ng Tondo.
Gaganap si Ysabel bilang social worker na naka-focus sa karapatan ng mga kababaihan.
Ayon sa aktres, magkakaroon din siya ng mga action scenes para sa serye.
Dahil dito, nagsimula na rin siya sa pisikal na paghahanda para sa mga ito.
"Nagsa-start na rin akong mag -stunt training. Bumabalik ako sa dati kong ginagawa for Voltes V--dati nagji-gymnastics po kasi ako. Bumabalik ako sa gymnastics para karagadagang kaalaman (at) skills para sa mga fight scenes," lahad ni Ysabel.
Bukod kina Dennis, Ruru, at Ysabel, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO:
Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.