
May bagong achievement ang vlogger-actress na si Zeinab Harake.
Masayang-masaya ngayon si Zeinab dahil nagkita na sila ng kanyang “OG idol” na si Jean Garcia.
Sa Instagram Stories, makikita anglarawan ng dalawa nang magkasama sila sa recent event ng A-list Kapuso star na si Bea Alonzo.
Kakabit ng photo ay ang witty request ni Zeinab sa batikang aktres.
Hiling niya kay Jean, “Pasampal po ako.”
Sa mismong post, inilahad din ni Zeinab na kinilig siya nang makasama niya ang iniidolo niyang aktres.
Si Jean Garcia ay kasalukuyang napapanood sa 2024 murder mystery drama na Widows' War.
Kilalang-kilala siya rito ng viewers bilang si Aurora Palacios.
Ang Widows' War ay pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Mapapanood ang hit murder mystery drama tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.