GMA Logo Zephanie
Source: zephanie (Instagram)
What's Hot

Zephanie, dream come true ang maging singer ng mga teleserye theme song

By Jimboy Napoles
Published August 17, 2022 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie


Isa si Zephanie sa napiling umawit ng kilig theme song ng upcoming GMA series na 'Luv Is.'

Dream come true para sa Sparkle artist na si Zephanie ang maging singer ng theme song ng mga teleserye na matagal na niyang pinapangarap simula pagkabata.

Marso ngayong taon nang maging Kapuso si Zephanie pero sunod-sunod agad ang mga naging proyekto ni Zephanie kasama na rito ang maging singer ng OST ng top-rating shows ng GMA gaya ng pinag-uusapang afternoon prime series na Apoy Sa Langit at sports-themed primetime series na Bolera.

Sa ikatlong pagkakataon, muling napili si Zephanie na umawit ng isang theme song ng Kapuso series --- ito ay ang OST ng upcoming kilig series na Luv Is. Sa pagkakataon na ito, nakasama ni Zephanie ang rising P-pop group na VXON.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Zephanie, ibinahagi niya ang saya na kanyang naramdaman nang matupad ang kanyang pangarap na maging singer ng teleserye theme songs.

Kuwento niya, "Siyempre po noon pa man talaga po bilang isang bata na kumakanta na noon talagang pangarap ko po na ma-share 'yung talent ko through singing theme song ng movies, teleseryes so dream come true po."

Nagpapasalamat din si Zephanie sa GMA dahil sa mainit na pagsuporta sa kanyang singing career.

Aniya,"I'm really grateful and blessed na nabigyan po ako ulit ng another blessing na makakanta ng theme song ng isa sa mga Kapuso series and actually this is my third time po na mabigyan ng ganitong project ng mga ganito na OST so talagang super happy na kahit po kaka-start pa lang ng journey ko with GMA talagang very generous po sila and I feel so welcomed and loved."

Sa hiwalay na interview kay Zephanie, sinabi rin ng Kapuso singer na bukas siya sa iba pang oportunidad na mabibigay sa kanya ng GMA gaya na lamang ng pag-arte.

"Talagang my heart is full [laughs] talagang puno ang puso ko kasi po ang tagal ko rin talagang hindi nakapag-perform on TV and ito talaga pong pag-transition ko with GMA is a blessing sa akin to explore new things din for me personally like dancing and who knows baka acting na rin, baka dito 'yung first time so talaga pong I'm just really excited," saad niya.

Samantala, abangan ang music video ng "Luv Is" kasama si Zephanie, VXON, at ang cast ng Luv Is: Caught In His Arms soon. Pero bago iyan, maaari mo nang mapanood at mapakinggan ang "Luv Is" sa lyric video na ITO:

KILALANIN ANG SPARKLE SINGER NA SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: