
Grateful ang Sparkle star na si Zephanie sa sunod-sunod na proyektong dumarating sa kanya, na aniya ay magandang regalo para sa kanyang 22nd birthday ngayong Biyernes, February 14.
Napapanood si Zephanie bilang Yumi sa primetime series na Mga Batang Riles, kung saan kasama niya sina Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Anton Vinzon.
Bukod dito, nagbabalik din si Zephanie sa MAKA Season 2 bilang Zeph Molina. Thankful ang aktres sa mainit na suportang natatanggap ng MAKA mula season 1 hanggang season 2.
"Parang dream come true na po. Answered prayer siya for us kasi pagka-start pa lang po ng season 1 talagang we were aiming for another season," sabi ni Zephanie.
"So, ngayon na we're here, we're taping, and tuloy-tuloy 'yung suporta at pagmamahal nila, talagang overwhelming po siya," dagdag niya.
Kasamang nagbabalik ni Zephanie sa MAKA Season 2 ang Gen Z barkada na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa.
Nadagdagan din ang MAKA barkada ng bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Josh Ford, at Shan Vesagas, kasama ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: