
"Tahimik at seryoso" ang unang naging impression ni Zephanie sa bagong cast member ng MAKA Season 2 na si Shan Vesagas.
Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sa isang show sina Zephanie at Shan.
"Si Shan kung ide-describe ko siya, tahimik siya. Or, we don't know," sabi ni Zephanie. "And, medyo seryoso."
"I am curious kung anong magiging personality niya after namin talagang makapagsama-sama, and after niyang ma-involve sa mga kakulitan namin," dagdag ng aktres.
@svesagas good choice @Zephanie ♬ original sound - IG: philtereydi
Sa youth-oriented show, napapanood si Shan bilang ang misteryosong si Shan Rodente.
Nagsimula na noong Sabado (February 1) ang bagong season ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.
Kasama ni Zephanie na nagbabalik sa MAKA season 2 sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, maging ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Bukod kay Shan, dagdag sa bagong barkada sina Elijah Alejo bilang Elijah Rodente, Bryce Eusebio bilang Bryce Hernandez, at Josh Ford bilang Josh Taylor, kasama ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.
Abangan ang MAKA season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG 'MAKA SEASON 2' CAST SA GALLERY NA ITO: