
Bagong endorsers ng isang milk brand ang mag-inang Marian Rivera at Zia Dantes.
WATCH: Marian Rivera and Zia Dantes earn praises via newest TVC
Sa isang press event para sa naturang produkto, ikinuwento ng Kapuso Primetime Queen na nakatabi ang kita ni Zia sa sarili nitong bank account.
"Lahat ng ini-endorse niya, nakalagay sa [bangko]. May sarili siyang [bank account]. Siyempre siya 'yung naghirap nun, kanya 'yun. Sabi ko nga, kapag 18 years old na siya, ibibigay namin 'yun sa kanya," pagbabahagi ng aktres.
Dagdag pa niya, aware raw ang kanyang three-year-old daughter na trabaho ang kanilang gagawin. "Sabi ko, 'Anak, magwo-work tayo.' Sabi niya, 'So Mama if I have work, I have money? If I have money, I will buy you shoes.'"
Ani Marian, iba ang nararamdaman niyang saya sa pagiging ina, lalo na ngayong malapit na niyang isilang ang kanyang pangalawang anak.
READ: Marian Rivera on baby boy's 4D sonogram: Kamukhang-kamukha ni Dong!
"Nakakatuwa lang kasi very vocal siya. Kagabi, antok na antok ako tapos nakatingin siya sa akin. Sabi niya, 'Mama, thank you. You know what, Mama? You're the best mom ever!' Nagising tuloy ang diwa ko. 'Yun talaga ang reward ng pagkakaroon ng anak."
Pero giit ng celebrity mom, puwede lang mag-artista si Zia kapag nagtapos na siya ng pag-aaral.
WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, payag na mag-artista si Zia
"Sinama ko siya sa Sunday PinaSaya. Sabi niya, 'Mama I want to see myself on TV.' Sabi ko, 'Huwag ka nang sumama sa 'kin,'" natatawa niyang kuwento.