GMA Logo Zonia Mejia
Photo source: @itszonia
What's Hot

Zonia Mejia, masaya sa mga proyekto niya bilang Kapuso star

By Maine Aquino
Published June 6, 2022 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Zonia Mejia


Maraming ipinagpapasalamat si Zonia Mejia bilang isang Kapuso star, at isa rito ay ang makatrabaho sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Blessed and thankful ang aktres na si Zonia Mejia sa itinatakbo ng kanyang career sa Sparkle GMA Artist Center at GMA Network.

Si Zonia ay isa sa mga 25 artists na pumirma sa Signed for Stardom contract signing event ng Sparkle GMA Artist Center last May 26. Kwento ni Zonia sa exclusive interview ng GMANetwork.com, "I am really blessed and really thankful po na talagang nandito po ulit ako sa Sparkle. I am happy, overwhelming 'yung lahat ng nangyayari."

Ayon kay Zonia, mas driven siya ngayon na ipakita ang talento sa iba't ibang projects na ipagkakatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

 Zonia Mejia

Photo source: @itszonia

"I am really excited sa kung ano pa ang pwede kong ma-offer. I know na gagawin ko 'yung best ko sa lahat ng projects na ibibigay po sa akin."

Isa si Zonia sa cast ng Jose & Maria's Bonggang Villa na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ayon kay Zonia, isa itong dream come true hindi lamang sa kanya kung hindi pati na rin sa kanyang love team na si Jamir Zabarte. Saad pa niya na saksi sila sa kabaitan ng Kapuso couple.

Ani Zonia, "Oh my gosh, as in oh my gosh. Kasi sobrang dream namin ni Jamir, napagkwentuhan po namin noong Heartful Cafe days pa, gusto namin makatrabaho si Sir Dingdong and Ms. Marian. Now na nangyayari na siya, sobrang unexpected lahat. Sobrang bait po nila, hindi po kami nahirapan na i-approach sila kasi ganon po sila kabait and ka-welcoming."

Dugtong pa ni Zonia, masayang-masaya siya na maging parte ng inaabangang show nina Dingdong at Marian.

"Sobrang happy kami and grateful kami na nandito kami sa moment na 'to na nakaka-work namin 'yung Primetime King and Queen ng GMA Network."

Samantala, balikan ang sweetest photos ng tambalan nina Zonia at Jamir dito: