
Sweet na sweet ang mensahe ni Zoren Legaspi kay Carmina Villarroel sa birthday episode nito sa Sarap, 'Di Ba?
Sa episode nitong August 20, ay kinantahan ni Zoren si Carmina ng "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" sa Sarap, 'Di Ba? Sinundan pa ito ng isang sweet message ng Apoy sa Langit actor para sa kanyang asawa.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Saad ni Zoren kay Carmina, "Ang masasabi ko lang is huwag na huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa'yo."
Dugtong pa ni Zoren ay ang pangako na magsasama sila sa kanilang pagtanda.
"Kahit ano'ng mangyari kasi kahit hanggang maputi na ang buhok natin, tayo pa rin magkasama."
Hiling pa ng aktor, ay huwag na masyadong mag-isip si Carmina, "Relax ka lang, huwag kang masyadong nag-iisip."
Dinugtungan din ni Zoren ng biro ang message sa asawa, "Basta lagi mo akong ibibili ng mga bags, mga sapatos, mga damit, happy birthday!"
NARITO NAMAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA CARMINA AT ZOREN: