TV

Saan napapa-‘Oh my god’ si Lovi Poe?

By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ilang linggo pa lamang magmula nang magsimula ang Ang Dalawang Mrs. Real ngunit ang dami na nitong naantig na mga damdamin dahil sa mga pangyayari sa buhay nina Millet, Anthony at Shiela. 

Ang isa sa mga premyadong leading ladies sa telebisyon na si Lovi Poe, hindi maitago ang kanyang kasiyahan dahil sa suportang natatanggap ng GMA Telebabad series na kanyang pinagbibidahan kasama sina Dingdong Dantes at Diamond Star Maricel Soriano.

Bilang pasasalamat sa mga manonood lalo na sa nakaraang linggo kung saan maraming rebelasyon, nagkaroon ng re-run ang teledrama sa kanilang mall show.

Kasama ni Lovi na maghandog ng awitin ang iba pang cast members ng Ang Dalawang Mrs. Real tulad nina Rodjun Cruz, Diva Montelaba at Marc Abaya. 

Pagkatapos ng show ay nakapanayam ng 24 Oras si Lovi. Ayon sa kanya, marami pang aabangan sa karakter niyang si Shiela, na kasalukuyang nagdadalang-tao sa istorya. 

Sobrang natsa-challenge raw siya sa mga twist at sa pagganap ng kanyang role.

“Napapa-‘Oh my god’ ako kasi everytime I get so surprised. The script is very unpredictable and the things that my character does is also very different from my real attitude,” ani Lovi.

Malaki ang pasasalamat niya na naging bahagi siya ng drama series at mas pagbubutihan pa raw niya ang kanyang trabaho para sa mga Kapuso viewers.