TV

Ang Dalawang Mrs. Real: Ang pambubuking ni Millet kay Anthony

By Bianca Geli

Sa nakaraang mga tagpo ng Ang Dalawang Mrs. Real, tatapatin na ni Millet (Maricel Soriano) si Sandy (Alessandra de Rossi) at aalamin kung ano ang tunay na nangyari sa kanila ni Anthony (Dingdong Dantes).

Samantalang si Anthony, tatakas kasama si Shiela (Lovi Poe) mula sa bahay ng kanyang mga biyenan dahil sa napakastriktong pamamalakad nito sa tahanan.

Nang umuwi na si Anthony kay Millet, gigisahin ito ng asawa bigla sa katotohanan sa likod ng mga senyales na nambababae ito.

Balikan ang mga eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real:

Ang Dalawang Mrs. Real: Sandy and Millet's ruined friendship

Kinumpronta ni Millet (Maricel Soriano) si Sandy (Alessandra de Rossi) nang malaman niyang hinalikan ng huli ang asawa niyang si Anthony (Dingdong Dantes).

Ang Dalawang Mrs. Real: Anthony vs the in-laws

Nagdesisyon si Anthony (Dingdong Dantes) na umalis sa bahay ng kanyang mga biyenan kasama si Shiela (Lovi Poe).

Ang Dalawang Mrs. Real: Millet confronts Anthony | Episode 24 RECAP

Nabigla si Anthony (Dingdong Dantes) nang tanungin siya ni Millet (Maricel Soriano) kung niloloko niya ito.