TV

Babaha ng kaseksihan sa 'Bubble Gang' this September 16

Mga Kababol, alam naming na-miss n'yo ang Bubble Gang barkada, kaya handog namin ngayong Biyernes, September 16, ang isang sizzling hot episode na tiyak aabangan n'yo.

Ano kaya ang mangyayari sa Kapuso hottie na si Jak Roberto kapag may na-meet siyang tribo ng mga mandirigmang babae sa kagubataan na susubukang akitin siya?

Abangan ang kuwela at naughty comedy skit na ito na Jungle Belles.

Dapat n'yo rin abangan ang mga panalong segment ng gag show na linggo-linggo ay hinahanap-hanap n'yo tulad ng Atlit ni Diego at Istambay.

Patuloy ring tutukan ang susunod na kabanata ng spoof ng telefantasya na Encantadia na pinagbibidahan nina Michael V, Paolo Contis, Sef Cadayona at Betong na Engkangtodo.

Makikisaya rin sa Bubble Gang ang ilan sa mga sikat na Kapuso celebrities tulad nina Joross Gamboa, Aljur Abrenica, Arra San Agustin at Mikoy Morales.

Agahan ang uwi ngayong Biyernes ng gabi mga Kapuso para samahan ang mga Kababol na pinapatawa kayo for more than 20 years!


MORE ON 'BUBBLE GANG':

WATCH: 'Bubble Gang' girls singing the 'Encantadia' theme song, viral hit!

MUST-SEE: 'Bubble Gang' girls belt out song especially dedicated to showbiz hottie Jak Roberto
  
'Bubble Gang's' 'My Name Is Mike' video hits close to 2M views in less than one week