TV

Out of this world ang adventures sa 'Alien Surf Girls'

Tumakas mula sa kanilang planetang Lumina ang dalawang dalagitang sina Zoey at Nikki. Ang misyon nila ay pumunta sa planetang Earth para sa isang pinagbabawal na misyon.

Makakarating sina Zoey at Nikki sa maliit na bayan ng Lightning Point. Makikilala nila si Amber at dito sila magpapaturo kung paano mag-surf.

Matapos maglibang sa dagat, pabalik na sana sina Zoey at Nikki sa kanilang planeta nang biglang sumabog ang kanilang spaceship! 

Stranded na ngayon ang dalawa sa Earth. 

Nasa panganib din ang dalawa dahil naging kapansin pansin ang pagdating nila sa planeta. Marami kasing nakakita ng kakaibang liwanag ng kanilang spaceship, pati na ang pagbagsak nito sa kagubatan. 

Mapipilitan silang lumapit muli kay Amber para humingi ng tulong. 

Matulungan kaya sila ni Amber para makabalik sa planetang Lumina? Kaya ba nina Zoey at Nikki na magkunwari bilang mga tao habang nananatili sa Lightning Point?

Abangan ang Alien Surf Girls, simula March 6, Lunes hanggang Biyernes, 9;40 am sa GMA.