TV

Mga bagong Kapuso shows na mas magpapa-init ng inyong summer ngayong 2017

Magiging makulay ang tag-init ng mga Kapusong Pinoy sa mga kaabang-abang na programa hatid ng GMA! Narito ang mga world-class shows na dapat ninyong abangan.

 

D' Originals
Bilang panimulang handog ng Kapuso Network ngayong summer ay isang matapang at nag-iinit na sexy dramedy, ang D’Originals. Mapapanood na ngayong Lunes, April 17, sa GMA Afternoon Prime block, ang D’Originals ay ang pagsasanib puwersa ng tatlong misis laban sa tatlong babaeng nanggugulo sa kani-kanilang pamilya. Pinangungunahan ni 2016 Cannes Best Actress Jaclyn Jose kasama ang 2016 Gawad Urian Best Actress LJ Reyes at Ang Bagong Pantasya ng Bayan Kim Domingo. Makakasama nila sina Katrina Halili, Jestoni Alarcon, Mark Herras, Meg Imperial, Archie Alemania at Lovely Abella.

 

Follow Your Heart
Isang weekly docu-reality show na katatampukan ng real at reel life celebrity couples ang mapapanood simula April 23 sa Follow Your Heart hosted by Heart Evangelista Escudero. Kayanin kaya ng mga celebrity couples ang maging magulang sa kanilang mga adoptive children?

 

My Love from the Star
Mula sa isang phenomenal hit Korean series, magla-landing na sa GMA Network ang My Love from the Star. Bibida rito ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado para gampanan ang role na Steffi Cheon. Makikilala n’yo na rin ang pinakabagong Kapuso leading man na si Gil Cuerva na gaganap bilang alien na si Matteo Do. Makakasama nila sina Gabby Eigenmann, Glydel Mercado, Christian Bautista, Jackie Rice, Renz Fernandez, Spanky Manikan, Melissa Mendez at Nar Cabico. Abangan ‘yan ngayong Mayo.

 

Impostora
Pagbibidahan nina Kris Bernal at Rafael Rosell ang remake ng hit Kapuso series na Impostora. Gagampanan ni Kris ang karakter ni Nimfa, isang street vendor na dadaan sa isang facial reconstructive surgery upang magpanggap bilang isang maganda at mayamang babae na nagngangalang Rosette. Kasama sa programang ito sina Ryan Eigenmann, Assunta de Rossi, Elizabeth Oropesa, Aicelle Santos, Vaness Del Moral, Leando Baldemor, Sinon Loresca, Yuan Francisco, Dayara Shane at special participation ni James Blanco.

 

Daig Kayo ng Lola Ko
Mas magiging makulay at magical ang weekend ngayong tag-init. Isasabuhay nina Ms. Gloria Romero, Jillian Ward, David Remo, Chlaui Malayao, at Julius Erasga ang weekly fantasy series na bagong Kapuso offering na mapapanood simula April 30. Linggo-linggo katatampukan ito ng iba’t ibang kuwento na isasabuhay iba’t ibang Kapuso artists. Tampok sa unang kuwento ang Primetime Queen na si Ms. Marian Rivera.

 

Tadhana
Bilang pagbibigay pugay sa kabayanihan at makulay na buhay ng mga Overseas Filipino Workers ay ang OFW-themed weekly anthology na Tadhana. Hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, layunin ng programang Tadhana na ipakita kung paano mamuhay ang mga Filipino sa ibang bansa. Simula May 20 na!

3 Days of Summer
Bakit nga ba tayo nahihikayat maglakbay? Ito ang aalamin ng mga artistang matutunghayan ninyo sa Three Days of Summer . Samahan sina Gabbi Garcia, ang boys ng Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, and Addy Raj, at ang real-life couple na si Mark Herras at Wyn Marquez sa kani-kanilang adventure. Mas makilala pa kaya nila ang kanilang mga sarili, ang isa't isa, at ang ating napakagandang bansa? Mapapanood na yan sa May 7 at 14.

Stories for the Soul
Pukawin ang inyong ispiritual na kalooban sa mga kuwento ni Pambansang Kamao, Senator Manny Pacquiao. Abangan ang pagbabalik ng Filipino boxing champ sa telebisyon sa May 21.

Sama-sama nating abangan ang masasaya at bagong Kapuso shows ngayong summer ng 2017.

 

Mulawin vs. Ravena
Mula sa iconic na telefantasyang Mulawin, bibida muli sa GMA Telebabad ang sequel nitong Mulawin vs. Ravena. Pinangungunahan ng Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Gabriel, kababata at iibig kay Alwina. Si Gabriel din ang magiging hari ng Halconia. Ang Kapuso actress na si Carla Abellana ang gaganap bilang Aviona, asawa ni Rodrigo at isa sa mga pinakamamahal at respetadong Mulawin sa Avila. Si Kapuso premier actress Lovi Poe ay gaganap bilang Magindara, ang sirena na tagapagbantay ng Lawa ng Venado. Siya ang nag-iisang anak na babae ni Sandawa. Si Magindara ay kilala din bilang Diyosa ng dagat. At sa kanyang kauna-unahang telefantasya, tinatampok ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid bilang Diyosa ng Kalikasan na si Sandawa.

Tampok rin sa kanilang natatanging pagganap sina Heart Evangelista-Escudero bilang Alwina, sugo ng mga Mulawin at si Tom Rodriguez bilang si Rodrigo. Si Ariel Rivera ay si Panabon, tagapagsalita ng mga Tabon (Mulawin half-bloods). Kasama rin ang mga Kapuso love teams na sina Bea Binene bilang Anya, Derrick Monasterio bilang Almiro, Bianca Umali bilang Lawiswis at Miguel Tanfelix na muling bibigyang buhay ang karakter ni Pagaspas. Si Kiko Estrada ay gaganap bilang Rafael, ang mortal na kaaway ni Almiro.

Kasama ng mga Mulawin sina Valerie Concepcion, David Licauco at Roi Vinzon. Sa lahi ng mga Ravena, makakasama naman sina Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Winwyn Marquez, at TJ Trinidad. Gaganap din ng mga importanteng papel sa mundo ng mga mortal sina Angelu De Leon, Bobby Andrews, Joko Diaz, Charee Pineda, at Nova Villa.