TV

WATCH: Jaclyn Jose at Kim Domingo, ibinunyag ang mga senyales ng manloloko

By BEA RODRIGUEZ

Starring sa Kapuso dramedy series na D’ Originals si Cannes Best Actress Jaclyn Jose at Pantasya Ng Bayan Kim Domingo. Tungkol sa mga kabit at pangangaliwa ang paksa ng GMA Afternoon Prime soap na nag-pilot na kahapon (April 17).

WATCH: 'D' Originals' pilot episode

May mga senyales daw na dapat bantayan ng mga misis at may kasintahan sa mga manloloko.

Ayon kay Kim ay nagbabago na ang pakikitungo sa iyo ng boyfriend o asawa mo pag may iba na ito. “Parang hindi na siya kagaya ng dati na sobrang sweet o sobrang ganado kapag nagkikita kayo. Ngayon, parang matamlay [na].”

Nahuli raw ng sexy aktres ang nanloko sa kanya sa pamamagitan ng cellphone nito, “Siyempre, nagche-check-check ako diyan ng mga text message, and then ‘yung mga naka-save na number.”

Ayon naman kay Jaclyn nahuli niya ang kanyang dating partner kasama ang kabit. Marami raw itong mga palusot. Aniya, “’Pag mangangaliwa, mangangaliwa [talaga at] gagawa ng gagawa ng paraan.”

READ: Jaclyn Jose, naranasan na raw manugod ng kabit? 

Base sa kanyang karanasan, “Malinis trumabaho ‘yung mga ‘yan [at] hindi mo mararamdaman. Babaligtarin ka pa kapag kinonfront mo so kailangan dahan-dahan [at] sure ball!”

Ikakabuti mo rin daw kapag itinigil mo na ang pakikipagrelasyon sa isang manloloko, “Kapag labis-labis na ang panloloko, halimbawa nananakit na, brutally and physically, iwan mo na.”

Umarangkada na kahapon ang D’ Originals kaya subaybayan ang kanilang panunugod sa mga kabit mamaya ng 4:15 p.m.

Video from GMA News

MORE ON D’ ORIGINALS:

WATCH: Jaclyn Jose, Kim Domingo at LJ Reyes, “kabit busters”? 

LOOK: D’ Originals’ pilot, trending sa Twitter!

READ: Jestoni Alarcon on cheating: “Bawal ‘yan!”