TV

WATCH: Marian Rivera, muling bibida sa Primetime sa 'The Good Teacher'

By BEA RODRIGUEZ

Magbabalik Primetime si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa kanyang pagbibidahang action-dramedy series na The Good Teacher. Medyo hango sa totoong buhay ang kanyang gagampanan na role dahil dati na siyang isang SPED teacher.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang excitement, “Na-miss ko din talaga mag-Primetime. Sabi ko, siguro time management lang, siyempre mahirap pa rin sa akin na iwanan ang anak ko kaya kailangan balanse talaga.”


Si Marian na rin ang nagsisilbing unang guro ni Baby Zia, “Every night, meron kaming alphabet [lessons] so pinaglalaruan siya namin [kaya] nakakatuwa.”

Makakasama niya rito ang kanyang ninang sa kasal na si Ms. Helen Gamboa. Kuwento ng beteranang aktres sa Unang Hirit, “Nag-usap kami ni Marian, sabi niya, ‘Ninang, pine-pray ko nga na sana ang role tanggapin mo.’ Siyempre naman, sabi ko, ‘Mag-no ba ako, eh ikaw ‘yung kasama ko.’”tanggapin mo.’ Siyempre naman, sabi ko, ‘Mag-no ba ako, eh ikaw ‘yung kasama ko.’”

May background na si Tita Helen sa pagiging guro dahil edukasyon ang kanyang kinuhang kurso noong siya ay nasa kolehiyo.

Naging student-teacher naman ang Kapuso comedian na si Jerald Napoles, “Teacher ako [dati sa] elementary. Siguro ‘yung pasensiya ko din, nate-test din pero I have so much respect [for] teachers.”

Starring rin sa GMA Telebabad series ang Pantasya Ng Bayan na si Kim Domingo, “Very thankful ako na makakatrabaho ko si Ms. Marian, si Ate Yan so very excited din ako.”

MORE ON MARIAN RIVERA:

MUST-READ: Marian Rivera's heartwarming message to Flora Vida patronizers

LOOK: Marian Rivera is set to return on ‘Encantadia’ 

IN PHOTOS: Marian Rivera and Baby Zia in their twinning moments