TV

Ang mga nilalang na dayo sa 'Aliados'

Paano nga ba maging isang kaibigan? Kaya mo bang mapalapit sa mga taong matitigas ang ulo at pasaway?

Ito ang misyon ng mga Beings of Light—mga nilalang na mula sa iba't ibang bahagi ng kalawakan. Para bigyan ng baong pag-asa ang planetang Earth, kailangan nilang tulungan ang anim na taong tinalikuran na ng mga nakapaligid sa kanila. 

Si Ian (Pablo Martínez) ang leader ng mga Beings of Light. Mabait siya at mahinahon pero may itinatago siyang kakaibang lakas. 

Maraming beses na ring na-reincarnate si Venecia (Jenny Martinez) bilang isang tao. Pero hindi ito magiging ?kapaki-pakinabang? para sa kanyang misyon dahil wala na siyang maalala tungkol dito. 

Dahil walang sariling katawan, sasapi si Inti (Nicolás Francella) sa katawan ng isang taong malapit nang mamatay. 

?Magagamit? nya ?ba ang katawang ito o ito pa ba ang maging hadlang sa kanyang misyon?

Nabubuhay sa mundo na nasa kabila ng salamin si Gopal (Maximo Espíndola). Matalino at masiyahin siya pero may kaunting kapilyuhan lang. 

Mukhang musmos si Devi (Carolina Domenech) dahil na rin sa kanyang sweet at palakaibigang ugali, pero ang karunungan niya ay higit pa sa mga nakakatanda sa kanya. 

Mausisa at mahilig sumubok ng mga bagong bagay si Ambar (Lola Morán) kaya naman nabibigyan niya ng sigla ang mga nakapaligid sa kanya. 

Kaya ba nilang tuparin ang kanilang misyon ngayong wala silang alam sa pagiging isang tao? Tunay bang may may pakialam ?sila ?sa planetang hindi naman kanila? 

Abangan ito sa Aliados, simula May 1 sa GMA FantaSeries!