TV

Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, paulit-ulit ginawa ang kissing scene para sa 'My Love From The Star'

By GIA ALLANA SORIANO

 

Sa press conference for My Love From The Star, naikuwento ni Jen and Gil na ilang beses nila kinailangang i-shoot ang isa sa mga kissing scenes nila.

First on-screen kiss ito ni Gil at ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado pa ang kanyang ka-eksena. Hindi ba siya nailang? 

"Siguro sa start po, syempre natural po [na ma-starstruck,] lalo na at baguhan po ako. Pero as time pass by, nakaya naman," ang pahayag ng baguhang aktor.

Paano niya na-overcome 'yung hiya niya kay Jen?

Paliwanag ni Gil, "Wala, I just want to get it right, kasi nakakahiya kay Jen."

 

Dagdag naman ni Jen, "Tsaka si Direk Joyce, [pag] hindi [tama,] [sasabihin niyang,] 'Ay, paulit-ulit tayo.' Paulit ulit namin siyang ginagawa. [Tapos sasabihin ni Direk Joyce,] 'Kapag hindi maayos 'yun, hindi kayo uuwi, sorry.' So, paulit-ulit talaga."

Ilang takes ang nagawa nila?

Ika nila, "Ang dami. Madami. Mga nine, ganun. [And] walang daya ['yun.]"

Bakit sila naka-nine takes?

Paliwanag ni Jen, "Kasi walang ma-feel si Direk, so parang feeling niya, nakikita ni Direk na nahihiya pa kami sa isa't isa."

Dagdag naman ni Gil, "Oo naman [nahihiya talaga ako,] kasi si Jennylyn 'yan 'di ba? [But] siguro, as time went by, mas naging comfortable ako kay Jen."

Masaya naman ba si Gil na si Jen ang unang leading lady niya?

Sagot ng aktor, "Opo, actually. This entire show, malaking blessing ito sa akin."

Abangan ang tambalan ni Jen and Gil bilang Steffi and Matteo sa My Love From The Star, ngayong May 29 na!