TV

WATCH: Kim Domingo, magbibigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang photo book

By BEA RODRIGUEZ

Hindi lang ang sexy pictures ni Pantasya ng Bayan Kim Domingo ang dapat abangan sa kanyang photo book na “State of Undress” dahil ito rin daw ay magbibigay ng inspirasyon sa inyo.

Kuwento ng Kapuso star sa Unang Hirit, “Itong book na ito, mas makilala ako dito ng mga fans ko – kung saan ako nagsimula. Pwede ko ding masabi na pwede makapagbigay ng inspirasyon sa kanila kapag nabasa nila ‘yung libro kasi doon nila makikita ‘yung mga pinagdaanan ko before ako mapunta sa showbiz.”

Sneak Peek: Kim Domingo’s photo book “State of Undress” 

Ang gaganda ng mga kuha ng sexy actress sa teaser photos ng kanyang libro kaya marami nang nag-aabang sa paglabas nito. Ayon sa aktres, “By the end of this month, hopefully, ilalabas na siya sa mga bookstores.”

Ikinatuwa rin ni Kim na mapabilang sa partial results ng FHM Sexiest list ngayong taon at tulad natin ay naghihintay rin ang model-turned-actress sa magiging resulta nito.

“Masaya at saka kinakabahan din kasi nag-aantay din ako. Sabi ko nga, kahit ano'ng kalabasan ng resulta, happy ako doon,” pagtatapos niya.