TV

WATCH: Bea Binene, pag-aagawan nina Derrick Monasterio at Kiko Estrada?

By BEA RODRIGUEZ

Mapapabilang sa isang love triangle ang mga karakter nina Kapuso stars Bea Binene, Derrick Monasterio at Kiko Estrada bilang sina Anya, Almiro at Rafael sa Mulawin VS Ravena.

Certified grown up at pang-leading man at leading lady status na ang mga dating child stars na nakita nating lumaki sa showbiz. Ngayon, ginagampanan na nila ang mga mabibigat na karakter sa 2017 remake ng telefantasya.

Magbabanggaan sina Almiro at Rafael sa kuwento at mag-aagawan sa pag-ibig ni Anya. Ano naman kaya ang masasabi dito ng magandang aktres?

“Masaya po ako kasi itong dalawang ito, kita niyo naman [ay] matangkad, gwapo, malalaki ang katawan, mahahaba ang buhok, matalino, gentleman. Wala akong masasabi kundi excited na ako,” saad ng babaeng mahahati sa dalawang pag-ibig.

Abangan ang transformation ni Almiro, ang mga solusyon sa problemang pampamilya nina Anya at Rafael at higit sa lahat, ang bangayan ng dalawa para sa puso ng dalaga.