TV

WATCH: Boobay at Tekla, nagtagisan sa rap battle kasama sina Flict-G at Dello

By Cherry Sun

Isang riot na episode ang kinatampukan nina Boobay at Tekla kasama ang rap artists na sina Flict-G at Dello nitong Martes, August 28 sa The Boobay and Tekla Show.

Lumabas ang angas at husay sa pag-rap ng fantastic duo sa kanilang challenge sa Kapuso digital comedy show. Magkakampi sina Boobay at Flict-G, at tandem naman sina Tekla at Dello sa pagbitiw ng matatalim na komento para sa unang round. Para sa ikalawang round naman, nakabase sa mabubunot nila sa mystery box ang ginawa nilang rap.

Panoorin at pakinggan ang kanilang rap battle tungkol sa bra, kaldero, medyas, talong, unan at pati na barrel man:


Nadala rin ang netizens sa nakakatawang sagutan sa pagitan ng dalawang rap battle teams.



Bisitahin ang GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel (https://www.youtube.com/user/GMANETWORK), at GMA Network Facebook page (www.facebook.com/GMANetwork) para sa previous at fresh episodes ng Kapuso digital comedy show.