TV

WATCH: Ililigtas ng mga 'diwata' si 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Sa September 24 episode ng Victor Magtanggol, mapupulot ng mga Sang'gre na sina Amihan, Alena, Danaya at Pirena ang naghihinang si Victor (Alden Richards).

Pero nang bumalik na siya sa ulirat, malalaman niyang hindi mga diwata ang naglitas sa kanya kundi ang magkakapatid na sina Ami (Kylie Padilla), Lena (Gabbi Garcia), Aya (Sanya Lopez) at Ina (Glaiza de Castro).

Mawawala din ang mga alaala ni Victor kaya hindi niya maiisip na hinahanap na siya ng kanyang pamilya.

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.