TV

Mga batang hamog ng 'Eat Bulaga,' fans din ni Bea Alonzo?

By EJ Chua

Napanood n'yo ba ang nakakaaliw na fangirl moments nina Maine-hamog (Maine Mendoza), Maja-mog (Maja Salvador), Mae-hamog (Ryzza Mae Dizon), at Miles-hamog (Miles Ocampo) nang makita nila in person ang Start-Up PH actress na si Bea Alonzo?

Nito lamang Sabado, October 8, bumisita sa longest-running noontime show na Eat Bulaga si Bea at naglaro ito sa hit EB segment na "Bawal Judgmental."

Bukod sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng Eat Bulaga Dabarkads at ng live audience nito, tila mas naramdaman pa ng movie icon na welcome siya sa programa nang makatagpo niya ang mga batang hamog na sina Maine-hamog/Mengga-mog, Maja-mog, Mae-hamog, at Miles-hamog.

Sa pinakabagong vlog ni Ryzza Mae Dizon na makikita sa kaniyang YouTube channel, mapapanood na habang nasa makeup at dressing room ng EB studio si Bea, ginulat ito ng mga batang hamog at dali-dali silang nagpa-picture sa kanilang idol.

Mapapanood din sa video ang ilang behind the scenes habang nagpapatawa at umaarte sa EB stage ang mga batang hamog, ang mga karakter na ginagampanan ng dabarkads na sila Maine, Maja, Ryzza Mae, at Miles.

Samantala, naging makabuluhan ang pagbisita ni Bea sa Eat Bulaga dahil nang manalo siya ng cash prize sa “Bawal Judgemental” nagdesisyon ang aktres na ibahagi na lamang sa choices ng laro ang kaniyang napanalunan upang makatulong sa mga ito.

Panoorin ang fangirl moments ng mga batang hamog nang makita nila si Bea Alonzo DITO:

Kasalukuyang napapanood sa GMA Telebabad ang tinaguriang This Generation's Movie Queen sa Philippine adaptation ng isang hit Korean series.

Ginagampanan niya rito ang karakter ni Danica “Dani” Sison, ang local counterpart ng role ng Korean actress na si Bae Suzy (Seo Dal-mi).

Napapanood din bilang lead stars sa Start-Up PH sina Alden Richards, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.

Tulad ni Ryzza Mae at iba pang celebrities, isa ring vlogger si Bea Alonzo.

SAMANTALA, TINGNAN ANG CHIC AT LADY BOSS LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: