Nalalapit na ang pagpapalabas ng pinakabagong drama series na inihahandog ng GMA Network.
Ito ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up na tiyak na mamahalin ng mga Kapuso gabi-gabi.
Mapapanood at makikilala sa 'Start-Up Ph' ang iba't ibang karakter na mayroong nakaaantig na kuwento tungkol sa pag-abot ng mga pangarap, estado sa buhay, pagpapatakbo ng negosyo, pag-ibig, at ang bawat istorya ng kanilang mga pamilya.
Pagbibidahan ito ng Kapuso prime stars na sina Alden Richards at Bea Alonzo.
Mapapanood din dito ang iba pang mahuhusay na mga artista, na magbibigay-buhay rin sa kuwento ng naturang drama series.
Kilalanin ang star-studded cast ng pinakaaabangang drama series na 'Start-Up Ph' sa gallery na ito:
Ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards ang gaganap bilang si Tristan “Good Boy” Hernandez, isang matalino at madiskarteng lalaki. Mag-isa na lamang siya sa buhay ngunit gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Magsisikap din siya para makabawi kay Lola Joy, ang matandang babaeng tutulong sa kanya.
Ang award-winning actress na si Bea Alonzo ang gaganap bilang si Danica “Dani” Sison. Siya ay sweet at maalaga sa kanyang lola na tanging kasama niya sa buhay. Palaban si Dani, life may knock her down a few times, pero lagi siyang bumabangon dala ang lessons na nakuha niya from her experiences.
Si Yasmien Kurdi ang gaganap bilang si Katrina “Ina” Diaz, ang nakakatandang kapatid ni Dani.
Gaya ng kapatid, si Ina ay strong, driven at ambitious. Pero di tulad ni Dani, siya ay cold at independent.
Ang Kapuso actor naman na si Jeric Gonzales ang gaganap bilang si Davidson “Dave” Navarro, ang lalaking matalino ngunit walang sapat na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo.
Isa siya sa founders ng Three Sons Tech kung saan kasosyo nito ang dalawang kaibigan from College. Wala pang nararating ang kumpanya nila pero pangungunahan ni Dave ang ilang mga bagay na gagawin nila para magtagumpay.
Ang beteranang aktres na si Gina Alajar ang gaganap bilang si Ligaya “Joy” Sison, ang selfless at mapagmahal na lola nina Danica at Katrina. Siya ang may ari ng “Banana Sa-Wrap” na makikita sa isang park, kung saan makakabili ng iba't ibang klase na turon.
Si Boy 2 Quizon ang gaganap bilang si Wilson Espiritu, ang binatang mabait matalino at funny. Bilib na bilib ito sa kakayahan ni Davidson. Isa rin siya sa founders ng Three Sons Tech.
Ang Kapuso hunk na si Royce Cabrera ang gaganap bilang si Jefferson “Jeff” Katipunan, ang college classmate at matalik na kaibigan nina Davidson at Wilson. Siya ay isa rin sa founders ng Three Sons Tech. Matalino at mas seryoso siya kaysa kay Wilson.
Ang Kapuso actress na si Kim Domingo ang gaganap bilang si Stephanie Rios, isang matalino, mayaman at sosyal na lawyer at designer.
Samantala, tingnan ang career highlights ni Alden Richards dito:
Matapos siyang maging parte ng 2020 GMA drama series na 'My Destiny,' mapapanood naman si Ayen Munji-Laurel sa 'Start-Up Ph.'
Makikilala siya rito bilang si Alice, ang ina nina Dani at Ina, ang mga karakter na gagampanan nina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.
Ang batikang aktor na si Niño Muhlach ang gaganap na medyo strikto ngunit mapagmahal na ama ni Davidson Navarro (Jeric Gonzales) at asawa ni Dang Navarro (Lovely Rivero).
Si Lovely Rivero naman ay mapapanood sa seryeng ito bilang mapagkalinga at supportive na ina ni Davidson "Dave" Navarro (Jeric Gonzales) at maybahay ni Samuel Navarro (Niño Muhlach).
Ang aktres na si Jackie Lou Blanco ang gaganap na CEO ng Sandbox PH and SH Venture Capital.
Ang seasoned actor na si Neil Ryan Sese ay mapapanood sa 'Start-Up PH' bilang si Chito Sison, ang ama nina Dani at Ina (Bea Alonzo at Yasmien Kurdi).
Gagampanan ni Gabby Eigenmann ang karakter ni Arnold Diaz, ang stepfather ni Katrina “Ina” Sison/Diaz (Yasmien Kurdi).
.
Si Kevin Santos ay gaganap bilang si Darwin Pascual, ang assistant ni Tristan “Good Boy” Hernandez (Alden Richards) sa Sandbox PH.
Mapapanood si Kaloy Tingcungco bilang si Spencer Diaz, ang stepbrother ni Katrina “Ina” Sison/Diaz (Yasmien Kurdi).
Si Tim Yap ang executive na galing sa Korea na bumalik sa Pilipinas para hanapin ang founders ng Three Sons Tech.
Siya ang isa sa mga makakalaban ni Dave Navarro (Jeric Gonzales) sa Sandbox PH. Siya rin ay mapapanood sa serye bilang kakambal ni Joan Perez (Brianna).
Ang Sparkle actress at anak ni Michael V. na si Brianna ay makikilala sa 'Start-Up PH' bilang si Joan Perez, ang kakambal ni Anjo (Jay Arcilla).