TV

Sam Pinto joins the cast of 'Vampire Ang Daddy Ko'


Makakasama na tuwing Sabado ang sexy actress na si Sam Pinto sa Vampire Ang Daddy Ko. Gagampanan niya ang role ni Maria sa naturang palabas.

“Iba ang character na ito. Sobrang siga niya,” paglalarawan ng Kapuso actress kay Maria.

Inamin ni Sam na nahirapan siya kung paano aatakihin ang kanyang pag-arte dito para mabigyan niya ng justice ang kanyang role. “’Ano’ng gagawin ko rito? Nananapak ng lalaki, super boyish pero naka-short shorts!”

Dagdag pa niya,”The first day of taping, I asked help. ‘Paano ba ‘yong atake ng role?’ After that, it’s not that hard pala. Today, it’s okay na.”

Unang nag-guest si Sam last year before Christmas sa Vampire Ang Daddy Ko. Laking gulat niya na pagkatapos ng kanyang first guesting ay niregular na siya kaagad. Noong  January 9, 2014 sa pagbisita ng GMANetwork.com sa set ng programa, masayang ibinagi ni Sam ang magandang balita. 

“Nag-guest ako and they’ve checked kung may chemistry daw. Then after that, sinabi na regular na raw ako. They were like ‘O, regular ka na’ Yehey! Ang saya nga!”

Ayon kay Sam, nakatrabaho na niya halos lahat ng mga cast ng Vampire Ang Daddy Ko kaya wala naman siyang adjustment na kailangan gawin dahil pamilyar naman siya sa kanila.

“Majority nakatrabaho ko na. Ang first time ko na makakatrabaho si Oma (Jackie Oda). Pero silang lahat, si Bossing [Vic Sotto], si Glaiza [de Castro], si Sef [Cadayona] nakatrabaho ko na before. Si Sef nakasama ko sa Bubble Gang. Si Glaiza sa Party Pilipinas. Si Bossing sa Eat Bulaga ‘pag nag-gi-guest ako there. At saka movie pala sa Si Agimat at Enteng Kabisote.”

Abangan si Sam Pinto sa Vampire Ang Daddy Ko tuwing Sabado pagkatapos ng Picture! Picture!, only on GMA. Para sa updates kay Sam at ng paborito niyong Kapuso shows at stars, laging bumisita sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.