TV

Jillian Ward, pinarangalan bilang Asia's Most Remarkable Actress of the Year

By EJ Chua

Kasabay ng tagumpay na tinatamasa ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, ay ang patuloy din na pagdami ng mga tagahanga ng lead star na si Jillian Ward.

Dahil sa suportang natatanggap ni Jillian mula sa mga manonood, ilang pagkilala mula sa iba't ibang award-giving bodies na ang kanyang natanggap.

Matatandaang kamakailan lang, kinilala ang Sparkle star na si Jillian bilang Best Actress in Daytime Series sa 12th Northwest Samar State University Students' Choice Awards for Radio and Television.

Ilang araw pa lang ang nakalipas, mayroon na namang bagong award ang aktres.

Kinilala si Jillian bilang Asia's Most Remarkable Actress of the Year sa 7th Asia Pacific Luminare Awards.

Ang awarding ceremony ay gaganapin sa darating na May 24, 2023 sa Grand Ballroom, Okada, Manila.

Courtesy: Asia Pacific Luminare Awards (Facebook)

Samantala, patuloy na hinahangaan ng viewers at netizens ang aktres dahil sa kanyang nakabibilib na husay sa pag-arte bilang si Dra. Analyn Santos, isang genius na kilala sa serye bilang pinakabatang doktor sa bansa.

Ilan sa kasama ni Jillian sa serye ay sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Dominic Ochoa, Dina Bonnevie, Wilma Doesnt, Jeff Moses, Dexter Doria, Andre Paras, at marami pang iba.

Patuloy na subaybayan si Jillian bilang si Analyn sa hit GMA medical drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG PALABAN MOMENTS NI ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: