Patuloy na nakatutok ang napakaraming mga Pinoy sa hit GMA inspirational-medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Napapanood sa serye ang ilang makabagbag damdamin at matitinding eksena ng mga karakter sa serye tulad na lamang ng mag-inang Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel at Jillian Ward) at mapang-api na mag-ina na sina Moira at Zoey (Pinky Amador at Kazel Kinouchi).
Habang ang mga manonood ay patuloy na naiiyak at nanggigigil sa kanilang mga eksena sa programa, ang ilan naman sa cast ay kadalasang nagkukulitan off cam.
Silipin ang bonding moments ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' cast sa gallery na ito.
Ang cast ng serye ay minsan nababardagulan on cam, madalas naman ay nagkukulitan off cam!
Grabe naman kayo magpaiyak, Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).
Time out muna sa selosan! Say hello to Michael (Dominic Ochoa) at Doc RJ (Richard Yap), ang dalawang lalaking umiibig kay Lyneth (Carmina Villarroel).
Sisters or enemies for life?
Ang sweet naman ni Moira (Pinky Amador) kay Analyn (Jillian Ward), ang anak sa labas ng kanyang asawa na si Doc RJ (Richard Yap).
Sino kina Doc Luke (Andre Paras) at Reagan (Jeff Moses) ang gusto n'yo para kay Analyn (Jillian Ward)?
Happy family sila Doc RJ, Analyn, at Lyneth, sa nakaraang GMA Christmas Station ID Shoot.
Pagti-TikTok ang paboritong bonding ng ilan sa cast ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Ang nasa larawan ay sina nurse Karen (Eunice Lagusad), Moira (Pinky Amador), Doc Rey (Chuckie Dreyfus), Zoey (Kazel Kinouchi), at Dra. Katie (Che Cosio).
Picture muna bago pagselosan ni Zoey (Kazel Kinouchi) si Analyn (Jillian Ward) kay Doc Luke (Andre Paras).
Kuha ang larawang ito bago guluhin ni Zoey (Kazel Kinouchi) ang sorpresang inihanda nina Lyneth (Carmina Villarroel) at ng kanyang mga kaibigan para kay Analyn (Jillian Ward).
Wacky pose muna bago sermonan ni Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) ang batang doktor na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Moira, sige ka magagalit na naman sa'yo si Doc RJ niyan!
Say hi to Analyn at ilan sa kanyang mga kaibigan sa APEX Medical Hospital.
Mula sa kaliwa: Jeff Moses, Jillian Ward, Eunice Lagusad, at Alchris Galura.
All smiles muna ang mag-ina para sa photo bago apihin si Analyn.
'Abot-Kamay Na Pangarap' cast kasama ang direktor ng programa.
Mula sa kaliwa: Denise Barbacena, Eunice Lagusad, Jeff Moses, John Vic De Guzman, Alchris Galura, Alexandra Mendez, Che Cosio, Pinky Amador, Richard Yap, at Direk LA Madridejos.
Abangan ang more kulitan moments ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' cast.