TV

Sparkle heartthrob Raheel Bhyria, napapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua

May bagong karakter na napapanood ngayon sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa mga nakaraang episodes ng serye, isang binata ang nakilala ni Doc Analyn (Jillian Ward) pagdating niya sa Amerika.

Siya si Harry, ang karakter na ginagampanan ng Fil-Pakistani na si Raheel Bhyria.

Noong una ay inakala ni Doc Analyn na isa siyang stalker dahil sa ilang beses niya itong nahuli na tila kakaiba ang kilos at parang lagi siyang sinusundan.

Kalaunan, nalaman ng batang doktor na si Harry ay ang anak ni Doc Carlos Benitez, ang karakter naman ng aktor na si Allen Dizon sa serye.

Si Harry ang nakakatulong ngayon ni Doc Analyn sa paghahanap sa kanyang ama na si Doc RJ (Richard Yap) sa ibang bansa.

Abangan kung ano pa ang mangyayari sa kanyang karakter sa susunod na mga tagpo sa trending na drama series.

Bukod sa kanya, ilan pang Sparkle stars ang napanood na rin bilang guests sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kabilang na rito si Kirsten Gonzales, ang kambal na anak ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi, Max Collins, Shanelle Agustin, Patricia Coma, Jamir Zabarte, at marami pang iba.

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: