TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, may hiniling kay Raheel Bhyria bilang si Harry

By EJ Chua

Habang patuloy na nakatutok ang mga manonood sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, sinusubaybayan din nila sa serye ang karakter ni Raheel Bhyria na si Harry.

Bago magtungo si Doc Analyn (Jillian Ward) papuntang Amerika, nakiusap si Doc Carlos (Allen Dizon) sa kanyang anak na si Harry na samahan ang batang doktor doon.

Noong una, tila awkward para kay Doc Analyn na isang binata ang tutulong sa kanya sa paghahanap sa kanyang ama na si Doc RJ (Richard Yap).

Ngunit kalaunan, naging komportable na sila sa isa't isa.

Sa katunayan, habang nasa ibang bansa sila ay natunghayan ng mga manonood ang ilan sa kanilang sweet moments.

Kabilang na rito ang eksena kung saan kumakain si Doc Analyn ng wafer stick.

Panoorin ang eksenang ito:


Ilang viewers at netizens ang hindi napigilang kiligin kina Harry at Analyn.

Ang ilan, humiling pa sa binata na huwag pabayaan si Analyn.

Narito ang ilang reaction at comment ng viewers:

Ngayong nakauwi na ng Pilipinas si Doc Analyn, kaabang-abang kung magkakaroon ba ng pagkakataon ang dalawa na muling magkita.

Samantala, bukod kay Raheel, ilan pang Sparkle stars ang napanood na rin bilang guests sa naturang GMA's top-rating afternoon drama series.

Ilan sa kanila ay sina Kirsten Gonzales, ang kambal na anak ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi, Max Collins, Shanelle Agustin, at marami pang iba.

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: