TV

Jillian Ward, may payo sa sarili at sa mga kabataan ngayon

By EJ Chua

Kamakailan lang, napanood ang Star of the New Gen na si Jillian Ward sa online show na Updated with Nelson Canlas.

Sa naging panayam ng host na si Nelson kay Jillian, isang mahalagang mensahe ang ibinahagi ng huli.

Tila maraming natututunan ang young actress tungkol sa realidad ng buhay.

Seryong inilarawan ni Jillian ang buhay at pinagkakaabalahan niya ngayon at ng kapwa niya mga kabataan.

Pahayag ng Sparkle star, “Sa youth… may times po talaga na magiging mahirap, may times po na may mga pagdaraanan tayo and I know especially po sa mga kabataan din there are some adults kumbaga who underestimate our feelings, pero you're not alone.”

Kasunod nito, sinabi niyang sa anumang pagsubok ay mahalaga ang pagiging matatag at ang palaging pagdarasal.

“Sa mga challenges po sa buhay, pagdaraanan po talaga 'yan e, darating po talaga 'yan. Ang importante is you stay still and you pray and you do your best sa lahat ng ibibigay sa 'yo ng mundo. Pinakaimportante sa lahat is you stay humble and enjoy your life.”

Dagdag pa ni Jillian, “Tito Nelson, talaga kasi parang these days … nakikita ko sa mga kaedad ko we're so focused doon sa maging successful, we're so focused doon sa kumbaga sa future, 'yung mga kailangan naming gawin.

Minsan nakikita ko po sa mga ka-edaran ko rin nakakalimutan po namin ma-enjoy 'yung buhay namin and 'yung youth po namin.”

Hindi na rin pinalampas ni Jillian ang pagkakataon na magbigay ng mensahe at paalala sa kanyang sarili at sa mga kahenerasyon niya.

Paalala niya, “So ayon lang, advice ko rin sa sarili ko po ito na I should enjoy life, we all should enjoy life. I know sometimes may times po talaga na hindi mo ma-e-enjoy, may mga problema. Pero ang pinaka importante po is 'yung heart mo mag-stay pure kahit anong evil sa mundong ito, maging pure ka and don't be afraid to love and be loved.”

Si Jillian ay nagsisilbing inspirasyon ngayon sa naparaming Filipino youth.

Kasalukuyan siyang napapanood bilang ang pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Patuloy na subaybayan si Jillian Ward sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: