advertisement
TV

BALIKAN: 'Abot-Kamay Na Pangarap' scenes na nag-viral online

1 of 15

The genius kid

Humakot ng mahigit 3 million views sa Facebook ang video ng batang Analyn (Heart Ramos) habang sinasagip ang buhay ng isang babaeng inatake sa puso.

2 of 15

Analyn vs Zoey

Napanood sa eksenang ito ang pagkabigo ni Dra. Zoey (Kazel Kinouchi) sa plano niyang paninira kay Dra. Analyn (Jillian Ward) sa kanilang chief resident na si Dra. Katie (Che Cosio). Ito ay mayroong mahigit na 7.5 million views sa Facebook ang video ng serye tungkol dito.

3 of 15

Zoey is back

Isang araw ay nasuspinde si Dra. Zoey (Kazel Kinouchi) dahil sa pambu-bully niya kay Dra. Analyn (Jillian Ward). Ang video tungkol sa pagbabalik niya sa APEX Medical Hospital ay humakot ng 2.9 million views.

advertisement
4 of 15

DNA test result

Nakakuha ng mahigit 3 million views ang eksena kung saan nalaman na ni Doc RJ (Richard Yap) na tunay niyang anak si Dra. Analyn (Jillian Ward).

5 of 15

Dra. Enriquez' emotional goodbye

Mayroon nang 4.5 million views ang eksena kung saan emosyonal na nagpaalam sina Dra. Enriquez (Che Cosio) at Dra. Analyn (Jillian Ward) sa isa't isa.

6 of 15

Lyneth and Doc RJ's agreement

Ang eksena tungkol sa naging kasunduan nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc RJ (Richard Yap) ay mayroon na ngayong 3.8 million views. Dito ay makikitang masaya si Dra. Analyn dahil pinayagan na siya ni Lyneth na manatili sa APEX Medical Hospital.

advertisement
7 of 15

Father's love

Nang mamatay ang pasyenteng malapit kay Dra. Analyn (Jillian Ward), to the rescue si Doc RJ (Richard Yap) upang i-comfort ang kaniyang anak. Ang eksenang ito ay mayroon nang 2.3 million views.

8 of 15

Zoey's deep anger to Analyn

Humakot ng 4.6 million views sa Facebook ang eksena kung saan napanood na nadala sa barangay hall si Dra. Zoey nang sugurin niya si Dra. Analyn at nanggulo siya sa lugar ng batang doktor.

9 of 15

Doc RJ saves the life of Lyneth

Mayroon nang 3 million views ang eksena tungkol sa pagsagip ni Doc RJ (Richard Yap) sa buhay ni Lyneth (Carmina Villarroel) nang malunod ito sa isang swimming pool.

advertisement
10 of 15

APEX Medical Mission: Operation Tuli

Humakot din ng milyun-milyong views ang video tungkol sa APEX medical mission. Sa ngayon ay mayroon na nang mahigit 7.6 million views ang eksenang ito na mapapanood sa official Facebook page ng GMA Network.

11 of 15

Zoey supports Analyn

Ang nasa larawan ay tungkol sa pagsalo ni Dra. Analyn sa pag-oopera sa isang sugatang lalaki. Dahil hindi kinaya ni Dra. Zoey ang pinapagawa sa kaniya ng kidnappers, nagdesisyon ang batang doktor na siya na lamang ang mag-oopera sa lalaki kapalit ng kanilang kaligtasan. Sa ngayon, mayroon itong mahigit na 5.6 million views sa Facebook.

12 of 15

First hug

Labis na natuwa ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers nang magyakap sa unang pagkakataon sina Dra. Analyn at Dra. Zoey. Ang eksenang ito ay kuha noong ma-kidnap ang APEX doctors habang sila ay nasa medical mission. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 5.1 million views sa Facebook.

advertisement
13 of 15

Noche Buena

Nakisaya sa Noche Buena ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers sa APEX team. Ang eksenang ito ay humakot ng 3.1 million views sa Facebook.

14 of 15

Lyneth vs Moira

Nang pagbintangan ni Moira na nagnakaw si Analyn sa ospital, agad siyang sinugod ng nanay nitong si Lyneth. Mayroon nang 3.1 million views ang naturang eksena.

15 of 15

Moira vs Bea

Nang malaman ni Moira (Pinky Amador) na ang dating kabit ng asawa ni Dra. Katie (Che Cosio) ay pasyente sa APEX, agad niyang sinugod ito. Ang eksena tungkol sa pang-aaway ni Moira (Pinky Amador) kay Bea (Arny Ross) ay mayroon nang 2.8 million views sa Facebook.

advertisement