Ngayong Miyerkules, February 1, natunghayan sa Abot-Kamay Na Pangarap ang surprise birthday party na inihanda nina Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), Lyneth (Carmina Villarroel), at marami pang iba para sa pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn (Jillian Ward).
Sa episode na ito, nakita ng mga manonood ang stunning look ni Dra. Analyn Santos habang suot ang kaniyang gown at alahas na iniregalo sa kaniya ni Dra. Zoey.
Ilan sa mga nakisaya sa kaniyang kaarawan ay ang APEX medical director na si Doc RJ (Richard Yap), ilang APEX doctors at nurses, at iba pang mga malalapit na tao sa genius doctor.
Silipin ang looks ng Abot-Kamay Na Pangarap cast na dumalo sa surprise birthday party ni Dra. Analyn sa gallery na ito.
Hindi ka lang genius, sobrang ganda mo rin, Dra. Analyn Santos!
Dra. Zoey Tanyag, ang promotor ng surprise birthday party para kay Dra. Analyn.
Bagay na bagay kay Doc RJ Tanyag ang kaniyang blue coat.
Masayang-masaya si Dra. Analyn dahil present sa kaniyang birthday party ang kaniyang inang si Lyneth at ang ninang niyang si Josa.
Michael Lobrin on his serious look! Ay, palagi nga pala siyang seryoso.
Presenting, ang magulang at tumatayong mga magulang ni Dra. Analyn.
Mula sa kaliwa: Dominic Ochoa bilang Michael, Carmina Villarroel bilang Lyneth, Wilma Doesnt bilang Josa, and Ariel Villasanta bilang Cromwell.
Ang gwapo naman ni Doc Luke Antonio!
Pero please, Doc, 'wag mo na pag-awayin ang magkapatid na sina Zoey at Analyn.
Oh! Mukhang beauty pageant ang napuntahan nina Dra. Katie and Josa!
Hindi lang pala pang swimwear ang APEX ladies na sina Dra. Jhoanne (Alexandra Mendez), Dra. Eula (Denise Barbacena), at Nurse Karen (Eunica Lagusad), pang party din sila!
Say hello to Doc Ken Prado (John Vic De Guzman) at Doc Luke Antonio (Andre Paras).
Ang cute naman ng mag-bestfriend na sina Doc Rey (Chuckie Dreyfus) at Doc RJ (Richard Yap).
Kudos sa mga kasabwat ni Dra. Zoey sa pag-surprise kay Dra. Analyn!
Mula sa kaliwa: Che Cosio (Dra. Katie), Chuckie Dreyfus (Doc Rey), Richard Yap (Doc RJ), Eunice Lagusad (Nurse Karen), Andre Paras (Doc Luke), Alexandra Mendez (Doc Jhoanne), Alchris Galura (Nurse Evan), Denise Barbacena (Dra. Eula), John Vic De Guzman (Doc Ken), Dominic Ochoa (Michael), Jeff Moses (Reagan), Carmina Villarroel (Lyneth), Wilma Doesnt (Josa), at Ariel Villasanta (Cromwell).
Happy Birthday, Dra. Analyn!