TV

Isang content creator at real-life doctor, nag-react sa ilang mga eksena sa 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua

Kasalukuyang napapanood sa GMA Network ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap.

Ito ay pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Bukod sa napakagandang istorya ng bagong programa, usap-usapan din ngayon sa social media ang ilang eksena ni Jillian sa kaniyang karakter na si Analyn Santos, ang genius at pinakabatang doktor sa isang ospital.

Isa sa mga nakapanood ng hospital at medical-related scenes ay ang content creator at real-life doctor na si Dr. Alvin Francisco.

Isang reaction video ang kaniyang in-upload sa kaniyang Facebook account, kung saan mapapanood ang ilang eksena sa Abot Kamay Na Pangarap at ang kaniyang mga reaksyon tungkol sa mga nangyari sa karakter ni Jillian.

Unang nag-react ang doktor sa eksenang pinapagalitan si Analyn (Jillian Ward) ng isang senior doctor.

Ayon kay Dr. Francisco, “May mga nagko-comment kasi na hindi raw realistic, 'yung mga doktor daw hindi ganito sa totoong buhay. Sad to say po, nangyayari ito sa totoong buhay… Sa mga hindi kasi nakakaalam, mayroong hierarchy ng mga doktor sa loob ng ospital… Nangyayari po 'yan sa totoong buhay.”

Kasunod nito, ibinahagi rin ng doktor ang tungkol sa ilang rules at ang tungkol sa mga taong makikita sa isang ospital.

Kuwento pa niya, “Marami akong experience na pinag-iinitan ng kapwa mga doktor… Minsan eh, diniin nila, pina-power trip nila, binu-bully nila… Medyo alarming kasi this is under reported… 'yung mga nakakaranas nito hindi nila nire-report eh… This is actually happening and this is very realistic.”

Sa huling parte ng video, nagbigay ng payo si Dr. Francisco sa mga bago pa lamang sa medical industry.

Maaaring mapanood ang mga reaksyon ni Dr. Francisco sa ilang eksena sa Abot Kamay Na Pangarap DITO:

Patuloy na subaybayan ang kuwento ng youngest doctor na si Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: