TV

Jillian Ward at Carmina Villarroel, napaiyak ang production team ng 'Abot Kamay Na Pangarap?'

By EJ Chua

Kasunod ng official announcement na muling mapapanood si Jillian Ward sa GMA Afternoon Prime, ibinahagi ng young actress sa GMANetwork.com na masaya siyang makatrabaho ang aktres at TV host na si Carmina Villarroel.

Kuwento ng young actress, “Super natutuwa po…kalog din po talaga siya. Hindi ko po ine-expect na ganun siya ka-light kasama dahil veteran actress po siya and very well-known po siya. Sobrang gaan niya pong kasama and pinaparamdam niya po sa akin na magkaibigan po kami… Very understanding din po talaga siya. Minsan nga po napapagkuwentuhan namin sina Mavy and Cassy. Naaalala ko po sa kaniya 'yung mama ko po. Very understanding po siya, super bait and ang galing.

Dagdag pa ni Jillian, “Fun fact, unang taping day po namin tapos pangalawang eksena pa lang po 'yung kinukuhanan, napaiyak na po 'yung prod dahil nakapag-connect po agad kami sa isa't isa.

Mapapanood sina Jillian at Carmina bilang mag-ina sa GMA upcoming drama series na Abot Kamay Na Pangarap.

Gaganap sila rito bilang sina Analyn at Lyneth.

Ang pinakabagong handog ng GMA para sa mga Kapuso ay maglalahad ng istorya ng isang mag-ina na gagawin ang lahat upang matulungan ang isa't isa na maabot ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay.

Bukod kay Carmina, makakasama rin ni Jillian ang mga aktor na sina Richard Yap, Andre Paras, Dominic Ochoa, at marami pang iba.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: