TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn at Zoey, forever na ba ang bardagulan?

By EJ Chua

Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas kahapon, November 9, muli na namang nagkainitan sina Dra. Analyn (Jillian Ward) at Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).

Dahil mayroong nagsabi kay Zoey na scammer ang matandang babae na nabundol niya, agad niya itong sinugod at sinigawan.

Sa katunayan, dahil sa labis na galit ay sinubukan niya pa itong paalisin sa ospital.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay inabutan ito ni Analyn at hindi na niya napigilang sabihin na lola niya ang pasyente.

Kasunod nito, nagkasagutan na ang dalawang doktor dahil sa pagtatanggol na ginawa ni Analyn sa lola niya na si Aling Susan.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-aaway, dumating ang kanilang chief resident na si Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) at sinermonan na naman silang dalawa.

Labis na nainis sina Analyn at Zoey nang tanungin ng doktor kung magkapatid ba silang dalawa dahil sa madalas nilang pag-aaway.

Panoorin ang eksenang ito:

Ano kaya ang susunod na pag-aawayan nina Analyn at Zoey?

Kailan kaya nila malalaman na magkapatid sila sa ama?

Abangan ang mga kasagutan sa susunod na episode ng hit inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: