TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Dra. Katie, pinaghinalaan ni Moira na karelasyon daw ni Doc RJ

By EJ Chua

Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas noong November 12, labis na ikinagulat ni Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) ang pagkompronta sa kaniya ni Moira Tanyag (Pinky Amador).

Dahil sa problemang kinakaharap ni Moira tungkol sa kaniyang asawa at pamilya, ilang tao ang nadadamay na rin sa galit at selos na kaniyang nararamdaman.

Isang araw, pumunta si Moira sa APEX Medical Hospital at kinausap niya ang chief resident na si Dra. Enriquez.

Hindi nakaligtas ang doktora sa masasakit na salita at mga pambibintang ni Moira.

Wala siyang kamalay-malay na siya na pala ang pinaghihinalaan ni Moira na karelasyon ng kaniyang asawa na si Doc RJ (Richard Yap).

Kasunod ng paghingi ng pabor ni Doc RJ kay Dra. Katie para sa isang pasyente ay kumalat na ang balita na mayroong relasyon ang dalawa.

Buong akala ni Moira ay totoo ang lahat ng balitang nakarating sa kaniya.

Dahil sa maling impormasyon na nakalap ni Zoey (Kazel Kinouchi) mula sa kaniyang kaibigan, napahiya si Moira kay Dra. Katie.

Panoorin ang eksenang ito:

Sino kaya ang susunod na paghihinalaan ni Moira?

Kailan kaya niya malalaman na si Lyneth ang babaeng matagal na niyang hinahanap?

Abangan ang mga kasagutan sa susunod na episode ng hit inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: