TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' reaches 800 million views on TikTok

By EJ Chua

Mula nang ipalabas sa GMA Afternoon Prime ang Abot-Kamay Na Pangarap, tuluy-tuloy ang pagiging trending nito sa social media.

Sa katunayan, ang hit inspirational-medical drama series na ito ang No. 1 GMA show online.

Bukod sa usap-usapan ang programa sa Facebook at iba pang social media pages ng GMA Network, patuloy din ang paghakot nito ng views sa TikTok.

Isa sa videos na mayroong million views ngayon ay ang eksena habang pinapagalitan ni Doc RJ (Richard Yap) si Dra. Analyn (Jillian Ward).

@gmanetwork Episode 30 | Napagalitan na naman si Analyn! #abotkamaynapangarap #jillianward #richardyap #medicaldrama ♬ original sound - GMA Network


Patuloy ding nagte-trending ang video kung saan mapapanood na inabutan ni Analyn ang kaniyang lola na si Aling Susan (Dexter Doria) na walang maayos na tirahan at natutulog ito sa dating bahay ng aso.

@gmanetwork Replying to @31606636953 Napakabusilak ng puso mo, Analyn ❤️ #abotkamaynapangarap #jillianward ♬ original sound - GMA Network

Ang eksena naman mula sa latest episode ng serye na may hashtag na #Pagtatanggol ay mayroon na ngayong 2.5 million views.

Matatandaang noong ikalawang linggo ng Oktubre ay humakot ng mahigit 500 views ang serye sa naturang video-sharing app.

Kung gusto ninyong mapanood ang iba pang videos ng Kapuso serye bisitahin ang official TikTok account ng GMA Network sa @gmanetwork.

Samantala, patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa telebisyon o gusto ninyong balikan ang ilang mga eksena, maaaring i-extend ang inyong pagtutok at panonood.

Bisitahin lamang ang GMANetwork.com at panoorin ang video highlights at full episodes ng programa.

KILALANIN ANG BUONG CAST NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: