TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn gets emotional

By Dianne Mariano

Sa nakaraang episode ng Abot-Kamay Na Pangarap, hinarap ni Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi) sina Analyn (Jillian Ward) at Grace (Patricia Coma) at sinabing nabulag ang kanyang pasyente dahil nabangga ito ng ama ng kaibigan ni Analyn.

Bukod dito, ipinaalam din ni Zoey sa dalawa na nagbabalak na magsampa ng kaso ang pamilya ng kanyang pasyente sa ama ni Grace. Nang masaksihan ni Dr. RJ Tanyag (Richard Yap) ang pananalita ng kanyang anak kina Analyn at Grace, siya na mismo ang humingi ng tawad sa dalawa.

Galit na galit naman ang anak ng pasyenteng nabangga ng ama ni Grace dahil nabulag ang kanyang tatay. Sa paghaharap ng dalawa, nagmakaawa si Grace sa babae na huwag nang sampahan ng kaso ang kanyang ama dahil naging kritikal ang kondisyon nito.

Samantala, muling binigyan ni Lyneth (Carmina Villarroel) ng pagkakataon si Michael (Dominic Ochoa) upang makapanligaw muli at patunayan ang kanyang pagmamahal sa una.

Nang dahil naman sa pagkukuwento ni Josa (Wilma Doesnt), nalaman ni Susan (Dexter Doria) na ang totoong ama ni Analyn ay si “Sir Chinito.”

Tinanggal naman ni Dr. Tanyag si Analyn sa pagiging doktor ni Grace dahil mas makabubuti ito sa kanya at para rin maka-focus siya sa pagiging kaibigan nito sa dalaga.

Sa huli, hindi napigilan ni Analyn na maging emosyonal sa kanyang ina dahil sa nangyari sa tatay ni Grace.

Panoorin ang buong episode rito.


Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA GALLERY NA ITO.