TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn, nalaman ang nais na solusyon ni Faith para sa ama nitong na-comatose

By Dianne Mariano

Sa nakaraang episode ng Abot-Kamay Na Pangarap, pilit na hinihingi ni Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi) kay Grace ang lisensya ng ama nito para maging organ donor ng kanyang pasyente na nabulag.

Sa pag-uusap nina Analyn (Jillian Ward) at Faith, sinabi ng una na tanggalin ang life support ng kanyang ama dahil brain-dead na ito at lumalaki ang gastusin nila sa ospital.

Ipinaliwanag naman ni Analyn kay Faith ang kahalagahan at pangunahing layunin niya bilang doktor na magpagaling ng mga pasyente.

Nagkaroon naman ng argumento sa pagitan nina Faith at Grace matapos ilahad ng una sa huli ang tungkol sa pagtanggal ng life support ng kanilang ama.

Inilahad din ni Faith sa kanyang kapatid ang hirap na pinagdaanan niya sa ibang bansa para lamang makapagbigay ng pera sa kanilang pamilya.

Lumapit naman si Analyn kay Dr. RJ Tanyag (Richard Yap) at humingi ng tulong dahil sa sitwasyon ng ama ng kanyang kaibigang si Grace.

Panoorin ang buong episode ng Abot-Kamay Na Pangarap dito.

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA GALLERY NA ITO.