TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' actor na si Chuckie Dreyfus, na-good time ng kaniyang co-stars

By EJ Chua

Pagti-TikTok ang nagsisilbing bonding ng Abot-Kamay Na Pangarap stars habang sila ay nasa taping ng hit GMA medical-inspirational drama series.

Isa sa kinagigiliwan ngayon ng mga manonood at kanilang fans ay ang bago nilang video kung saan na-goodtime nina Richard Yap, Pinky Amador at Che Cosio ang aktor na si Chuckie Dreyfus.

Mapapanood sa video na isa isa sila nagtatanggal ng takip sa mata at saka pa lang sila kakanta ng napili nilang trending song sa TikTok.

Sa unang parte ay nagpa-praktis pa ang mga aktor at cute na filter ang lumalabas sa kanilang mga mukha.

Matapos nito ay nagsimula na ulit silang mag-video ngunit nagulat si Chuckie na mukha ng isang gorilla ang nakalapat sa kaniyang mukha.

Ayon kay Pinky, ang prank video ay ganti raw nila kay Chuckie dahil sa pagpa-prank sa kanila ng huli noon.

Sa kasalukuyan, aabot na sa one million views ang kanilang nakakatuwang video.

Bukod sa naturang content, mapapanood din ang iba pang makukulit na videos ng Abot-Kamay Na Pangarap stars.

Kapansin-pansin na labis na nae-enjoy ng mga aktor ang kanilang trabaho dahil na rin sa closeness nila sa isa't isa.

Ang chinito actor na si Richard Yap ay kasalukuyang napapanood sa serye bilang si Doc RJ Tanyag.

Habang sina Pinky, Chuckie, at Che ay ginagampanan ang mga karakter nina Moira Tanyag, Rey Meneses, at Dra. Katie Enriquez sa trending na programa sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, panoorin kung paano na-prank nina Richard, Pinky, at Che si Chuckie sa video na ito:

Abangan ang iba pang makukulit na gimik ng cast!

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

Kung gusto n'yo namang balikan ang previous episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap bisitahin lamang ang link na ito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: