
Sa trending na GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari sa buhay ng pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).Dra.
Matapos umamin ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) kay Dra. Analyn na siya ang tunay nitong ama, nasasabik na ang mga manonood kung ano ang susunod na gagawin ng doktor para sa kaniyang anak.
Nang magkausap sina Doc RJ at ang kaniyang asawa na si Moira (Pinky Amador), matapang niyang sinabi rito na hindi na niya babawiin ang sinabi niya kay Dra. Analyn.
Kapansin-pansin na buo na ang kaniyang desisyon na ipaglaban ang kaniyang anak kay Lyneth (Carmina Villarroel).
Sabi ni Doc RJ kay Moira, “Moira, alam na niya [Analyn] ang totoo. Nasabi ko na sa kaniya na anak ko siya.”
Nang marinig ito ni Moira, labis siyang nagalit sa ginawa ng kaniyang asawa.
Kasunod nito ay madiin ding sinabi ni Doc RJ na, “I have protected and stood by you [Moira] and Zoey (Kazel Kinouchi) for so many years, I think Analyn deserves that too.”
Bago pa ito, nagkasundo noon ang mag-asawa na hindi nila sasabihin kahit kanino ang tungkol sa tunay na koneksiyon nina Doc RJ at ng genius doctor na si Dra. Analyn.
Nangako rin noon si Moira na kapag bumalik sa kaniya si Doc RJ ay hindi niya pakikialaman ang batang doktor.
Ngunit kahit mayroong naging kasunduan, ipinagpatuloy pa rin naman ni Moira ang panggugulo sa buhay ng mag-inang Lyneth at Analyn.
May magagawa pa kaya si Moira ngayong buo na ang desisyon ng kaniyang asawa na ipaglaban si Analyn?
Hahayaan na lang ba ni Moira ang kaniyang asawa?
Sinu-sino kaya ang maaapektuhan sa gagawin ni Doc RJ?
Panoorin ang eksenang ito:
Subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ TANYAG AT ANALYN SANTOS SA GALLERY SA IBABA: