GMA Logo Carmina Villarroel and Jillian Ward
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn forgives her mom, Lyneth

By EJ Chua
Published February 9, 2023 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Jillian Ward


Ramdam pa rin ang pagmamahal ni Analyn sa kaniyang ina na si Lyneth kahit nagsinungaling ito sa kaniya.

Matapos ang sunud-sunod na rebelasyon sa GMA afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, unti-uni nang naaayos ulit ang relasyon ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).

Kahit nahihirapan pa rin si Analyn na tanggapin ang katotohanan tungkol sa tunay niyang ama na si Doc RJ (Richard Yap), pinili niyang patawarin ang kanyang ina.

Sa kabila ng pagsisinungaling ni Lyneth nang matagal na panahon, sinisikap ng kaniyang anak na intindihin ang lahat ng nangyari.

Isang gabi, pag-uwi ni Analyn sa kanilang tinutuluyan, agad niyang niyakap ang kaniyang ina na nag-aayos ng kanilang mga kakainin para sa hapunan.

Matapos magpaliwanag si Lyneth at humingi ng tawad, malambing na sumagot si Analyn.

Sabi niya sa kaniyang ina, “Nay, sorry sumama po 'yung loob ko sa 'yo. Tapos, may mga nasabi pa po akong hindi maganda, tapos nasigawan pa po kita.”

Ayon kay Lyneth, pinili niya noon na mag-isang itaguyod at buhayin si Analyn dahil ayaw niyang maging magulo ang kanilang pamumuhay.

Sa naturang eksena, ramdam na ramdam ang pagmamahal nina Lyneth at Analyn sa isa't isa.

Matatandaang mismong si Doc RJ ang nagsabi kay Analyn na siya ang tunay na ama ng young at genius doctor.

Kasunod nito ay kinumpirma naman ni Lyneth kay Analyn na totoo ang sinabi ni Doc RJ.

Panoorin ang makabagbag-damdaming eksena RITO:

Anu-ano pa kaya ang mangyayari ngayong alam na ni Analyn ang buong katotohanan?

Abangan pa ang kapana-panabik na mga eksena ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ TANYAG AT ANALYN SANTOS SA GALLERY SA IBABA: