
Kasunod ng big announcement ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) sa Abot-Kamay Na Pangarap, mas tumindi ang galit ni Zoey (Kazel Kinouchi) sa mga tao sa kaniyang paligid.
Dahil sa payo ng kaniyang ama na si Mang Joselito/Lolo Pepe (Leo Martinez), nagdesisyon si Doc RJ na ipaalam na sa lahat na anak niya rin ang young at genius doctor na si Analyn Santos (Jillian Ward).
Kahit alam na ni Zoey ang tungkol sa sikreto ng kaniyang ama bago pa ang announcement, hindi pa rin niya matanggap ang mga nangyayari sa kaniyang pamilya.
Muling nakaranas ng depression si Zoey at nadamay na si Analyn sa kaniyang masamang mga binabalak.
Ginamit niya ulit ang kaniyang sasakyan at isinakay niya rito si Analyn.
Sinigaw-sigawan niya ito at hindi niya napigilang sabihin ang kaniyang mga hinanakit hindi lang sa batang doktor kundi pati na rin sa kaniyang mga magulang.
Galit na galit si Zoey habang siya ay nagmamaneho, sinubukan siyang pigilan ni Analyn ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay biglang nawalan ng preno ang kotse na kanilang sinasakyan.
Dahil dito, naaksidente silang dalawa ngunit si Analyn ang labis na napuruhan.
Makakaligtas kaya ang batang doktor na si Analyn?
Ano kaya ang gagawin ni Lyneth (Carmina Villarroel) kay Zoey?
Panoorin ang eksenang ito:
Sabay-sabay nating abangan ang iba pang mga pasabog na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG CATFIGHT SCENES NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: