
Ngayong Sabado, March 18, mapapanood ang batikang aktor na si Gabby Eigenmann sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa episode na ipapalabas mamayang hapon, makikilala si Gabby sa serye bilang isang sikat na celebrity chef.
Siya ang pinakabagong pasyente ng pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn (Jillian Ward).
Ano kaya ang nangyari sa kanya? Isa kaya siyang mabait na pasyente? O isa rin siya sa mangmamaliit sa kakayahan ng batang doktor? Magiging kontrabida rin ba siya sa naturang serye?
Matatandaang naging parte rin si Gabby ng GMA series na Start-Up PH, kung saan muli siyang napanood bilang isang kontrabida.
Bukod kay Gabby, mapapanood din bilang guest actor sa serye ang Sparkle star na si Jamir Zabarte.
Huwag palampasin ang mga eksena ng karakter nina Gabby, Jamir, at ng ibang pang kabilang sa cast ng tunay na seryeng pinag-uusapan.
Samantala, ilan sa mga unang napanood bilang guests din sa serye ay ang Legaspi siblings na Mavy at Cassy Legaspi, Arny Ross, Pekto, Betong Sumaya, Max Collins, at marami pang iba.
Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa serye:
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: