TV

GMA Pinoy TV launches new theme song on 'All-Out Sundays'

By Kristian Eric Javier

Inilunsad na ang pinakabagong theme song ng international channel ng GMA Network na GMA Pinoy TV na pinamagatang “Global Pinoys” nitong Linggo, January 28 sa noontime variety show na All-Out Sundays.

Kinanta ng The Clash alumni na sina Power Diva Jessica Villarubin at ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden ang theme song kasama ang ilang Global Pinoy guests mula US, Canada, at UAE.

Sa isang pahayag, ibinahagi ni Jessica kung gaano siya ka-excited at kasaya na kantahin ang theme song ng GMA Pinoy TV.

“I'm so very excited and happy po talaga kasi itong song na ito ay napaka-special talaga dahil inaalay natin ito sa mga kapwa natin Pilipino,” sabi niya.

Samantala, bilang isang Filipino-American at Global Pinoy rin, thankful si Garrett na mabigyan ng pagkakataon kantahin ang bagong theme song.

“Sobrang thankful ako for being chosen to sing this song kasi 'yung father ko rin and 'yung mom ko, and I have lots of relatives sa ibang bansa kaya medyo malapit ang puso ko sa GMA Pinoy TV,” sabi niya.

BALIKAN ANG SAYA NA DALA NG 'ABOT-KAMAY NA PANGARAP' CAST SA GLOBAL PINOYS SA NAGOYA RITO:

Ipinamalas ng bagong theme song kung papaano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang kanilang Filipino heritage sa pamamagitan ng iba't ibang kasiyahan at mga events na inorganisa ng GMA Pinoy TV.

Meron ding kalakip na music video ang theme song kung saan mapapanood ang ilan sa pinakamalalaking Kapuso stars katulad ng Primetime Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Ruru Madrid, at ang broadcast journalists na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Jessica Soho.

Mapapakinggan na ang “Global Pinoys” sa major streaming platforms tulad ng Spotify, iTunes, at iba pang digital platforms simula February 2.

Tingnan ang post ng GMA Pinoy TV dito: