TV

Rachelle Ann Go, nagbigay ng mensahe tungkol sa kinahaharap na krisis ng bansa

By Jansen Ramos

Mula London, United Kingdom, nagbigay ng mensahe ng pag-asa si Rachelle Ann Go kontra sa kinahaharap na krisis ng bansa dulot ng COVID-19.

Ayon sa Kapuso singer, dalawang linggo na siyang naka-self quarantine sa London kaya alam niya ang pinagdaraanang hirap ng kanyang mga kababayan sa Pilipinas.

Bungad ni Rachelle, "We've been self-isolating here in London for the past two weeks at alam po nating lahat na hindi madali ang mga pinagdaraanan nating lahat at ng buong mundo.

"But know that God is with us and now is the time to really put our hope in Him."

Hinikayat ni Rachelle ang madla na ipagpatuloy ang komunikasyon sa pamilya at mga kaibigan sa kabila ng pandemya.

Sabi niya, "Some of you might be worried at home doing nothing but I really encourage you to reach out to your family members or love ones, even your old friends abroad or in the provinces."

Ayon pa sa singer, naniniwala siyang malalagpasan ng mga Pilipino ang krisis na ito kung magtutulungan at magkakaisa.

Aniya, "Marami na po tayong mga Pilipno na napagdaanang kalamidad but I know that we will make it through if we help each other and stick together."

Pagtatapos niya, "Do not fear, guys, because God has not given us the spirit of fear. I'm praying for you all and I love you, and most importantly stay home. God bless you."